Saturday, December 29, 2007

Thoughts on Love

"Pag dating sa love, walang pride-pride. You do what you can and hope for the best. Kase pag hinde, you'll spend the rest of your life wondering "what if?""

Ayan, ayan ang words of wisdom ko to one very dear friend.

Pero ngayon na naaalala ko, I cringe. Was it really me na nagsabi nun? Ako nga.

For me kase, in love, there's no room for fear and pride. You must not be afraid to show people how you really feel. Wear your heart on your sleeve for all to see. Show them that you are happy, show them that you are hurting. You must not be afraid of rejection or of getting hurt because once you love someone, you give that person the power to hurt you. It's all part of the deal. There's no room for pride either. Beg if you have to. Ask for one more chance. Or if you don't want to get back together with the person, don't hesitate to demand for a decent breakup where all the cards are laid down. Track him down, hunt him if you have to. Tie him to a chair or hold him hostage if that's the only way he'll talk to you. Get everything cleared. At least, you won't go into another relationship with the same doubts, the same fears.

There's no room for fear and pride in a relationship. Only for dignity, respect, honesty, and passion (walang kokontra, kelangan talaga ng passion).

Here's me wishing everyone a happy, colorful, and satisfying life for 2008 and always.

Saturday, December 22, 2007

Spot the difference

almost two years na kaming friends ni rcon...
ganito kame before...



ganito naman kame ngayon...


Wednesday, December 19, 2007

Christmas caroling?! WTF!

Kagabi, habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng FX (night shift kase ako) eh andami kong nadaan na mga batang nagka-caroling. Yun nga lang, instead na ma-feel ko yung holiday cheer, eh naasar lang ako for the following reasons:

1. Wala na silang musical instruments.
Wala silang tambol na lata or yung mga tansan na nakalagay sa alambre. Kahit patpat na pampukpok, wala. Buti sana if angelic yung mga boses, ang kaso, hindi naman. At least kung may tambol, may chance na di mapansin yung boses. Wala ng ka-effort effort ang mga bata sa pangangaroling ngayon. I remember the days na two weeks pa lang before magsimula yung caroling eh busy na kame ng mga tropa ko na mangulekta ng lata ng gatas saka mga tansan para meron kameng instruments. Tapos magpapaturo pa talaga kame ng English na kanta (natatandaan ko kase, mas malaki yung binibigay pag English yung kinakanta) and todo praktis. Age range namen nun, 5-10 years old.

2. Di nila alam yung lyrics.
Sobra. As in. Kamusta naman, "Pasko na naman, o kay tulin ng araw... (magtitinginan yung mga bata) We mishu a Merry Christmas..." O di ba? San ka pa? Okay, sige, kahit wala na silang alam na English carol pero kalimutan ba yung "Pasko na Naman?"

3. Wala silang manners.
Dati nun, may ibigay man or walang ibigay yung tinapatan namen na bahay, eh kakanta pa din kame ng "Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you." Eh ngayon, binigyan na nga, nagwalk-out pa. May narinig pa ko na nagcomment na "Piso lang?" At pag minalas-malas pa yung nagbigay or di nagbigay, may pahabol pa na "Tenk u, tenk u, ang babarat ninyo, tenk u!"

4. Para silang sindikato.
Totoo. Dati pag nangangaroling, the more, the merrier. Pero ngayon eh, lima na nga lang sila, mag-iisplit pa tapos magtitigisa ng bahay. And then, saka sila magpapalit-palitan ng bahay. O di ba? Sindikato talaga. Scammers.

Hay talaga. Ewan ko lang if bigyan sila ng regalo ni Santa.

Isa pang quiz

Di ako convinced sa resulta ng unang quiz na kinuha ko. Kaya upang isalvage ang self-esteem ko, nagtake ulet ako ng isa pang quiz.

The Dante's Inferno Test has banished you to the Second Level of Hell!
Here is how you matched up against all the levels:
LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)Very Low
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)Low
Level 2 (Lustful)Very High
Level 3 (Gluttonous)High
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Low
Level 5 (Wrathful and Gloomy)Very Low
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Moderate
Level 7 (Violent)Moderate
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)Very High
Level 9 - Cocytus (Treacherous)High

Take the Dante's Inferno Hell Test

Parang dapat ata, nakuntento na ko sa unang results. *Poof* Nawala ang self-esteem ko.

PS: May pamapalubag loob naman tong quiz na to, dahil ayon sa kanya:


Humble ako. Pramis.

Humble ako. Kaya nga aaminim ko mga kasalanan ko. Lalo na ngayon na magpapasko, baka makahabol pa kay Santa yung notice na nag-confess na ko. Feeling ko kase mas effective if di lang isang tao makakarinig ng pagcoconfess ko, kaya naisipan ko sagutan etong quiz na nakita ko dito. Eto yung result na nakuha ko:

Greed:Medium

Gluttony:Medium

Wrath:Low

Sloth:Medium

Envy:Medium

Lust:High

Pride:Low



The Seven Deadly Sins Quiz on 4degreez.com


Parang mas magandang idea yata na sa pari na lang ako nagconfess.

Ako si K. Bow.

So, eto na naman ako sa ika-nth time ko na attempt sa pagba-blog. Di ko na talaga matandaan kung ilang blog na ang sinimulan ko at dinelete. Feeling ko nga dapat i-ban na ako sa kahit anung blog network - buti na lang di nila naiisip yun. Pero eto ulit ako and ready for a fresh start (hanep, parang relasyon lang ah).

Syempre, lahat ng relasyon, nagsisimula sa pagpapakilala. Madali lang magpakilala kung elementary ka at ang mga sasabihin mo ay iikot lang sa pangalan mo, edad, sinong nanay mo, tatay mo, at san ka nakatira. Pero pag matanda ka na, andami pa maiisip - that is kung nag-iisip ngang talaga. So kunwari, nag-isip ako kaya eto ang aking short bio:

Tawagin nyo na lang akong K. For security reasons na din and to protect my neck from people na maaaring maisulat ko sa blog na to. Lagpas 20 na ko, pero pangarap kong maging 19 forever. Nahihirapan talaga ko magblog kase commitment eto para sa akin. At dun talaga ko nahihirapan, sa commitment. Pero anyway, mahilig akong magbasa ng kung anu-ano kaya kung anu-ano din naiisip ko. Dati balak ko magblog about specific themes pero dahil pakawala utak ko, di talaga matuloy tuloy. Kaya eto nalang naisip ko, isang online skrapbuk. Maglalagay ako ng mga kwento ko, observations, pictures (eto ay pag nagkatelepono na ko na may camera), at sabi nga ng iba, stuff. So, welcome kayong lahat dito and hopefully, mapasaya ko kayo sa mga kalokohan ko. Salamat!