Wednesday, December 19, 2007

Ako si K. Bow.

So, eto na naman ako sa ika-nth time ko na attempt sa pagba-blog. Di ko na talaga matandaan kung ilang blog na ang sinimulan ko at dinelete. Feeling ko nga dapat i-ban na ako sa kahit anung blog network - buti na lang di nila naiisip yun. Pero eto ulit ako and ready for a fresh start (hanep, parang relasyon lang ah).

Syempre, lahat ng relasyon, nagsisimula sa pagpapakilala. Madali lang magpakilala kung elementary ka at ang mga sasabihin mo ay iikot lang sa pangalan mo, edad, sinong nanay mo, tatay mo, at san ka nakatira. Pero pag matanda ka na, andami pa maiisip - that is kung nag-iisip ngang talaga. So kunwari, nag-isip ako kaya eto ang aking short bio:

Tawagin nyo na lang akong K. For security reasons na din and to protect my neck from people na maaaring maisulat ko sa blog na to. Lagpas 20 na ko, pero pangarap kong maging 19 forever. Nahihirapan talaga ko magblog kase commitment eto para sa akin. At dun talaga ko nahihirapan, sa commitment. Pero anyway, mahilig akong magbasa ng kung anu-ano kaya kung anu-ano din naiisip ko. Dati balak ko magblog about specific themes pero dahil pakawala utak ko, di talaga matuloy tuloy. Kaya eto nalang naisip ko, isang online skrapbuk. Maglalagay ako ng mga kwento ko, observations, pictures (eto ay pag nagkatelepono na ko na may camera), at sabi nga ng iba, stuff. So, welcome kayong lahat dito and hopefully, mapasaya ko kayo sa mga kalokohan ko. Salamat!

No comments: