Wednesday, December 19, 2007

Christmas caroling?! WTF!

Kagabi, habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng FX (night shift kase ako) eh andami kong nadaan na mga batang nagka-caroling. Yun nga lang, instead na ma-feel ko yung holiday cheer, eh naasar lang ako for the following reasons:

1. Wala na silang musical instruments.
Wala silang tambol na lata or yung mga tansan na nakalagay sa alambre. Kahit patpat na pampukpok, wala. Buti sana if angelic yung mga boses, ang kaso, hindi naman. At least kung may tambol, may chance na di mapansin yung boses. Wala ng ka-effort effort ang mga bata sa pangangaroling ngayon. I remember the days na two weeks pa lang before magsimula yung caroling eh busy na kame ng mga tropa ko na mangulekta ng lata ng gatas saka mga tansan para meron kameng instruments. Tapos magpapaturo pa talaga kame ng English na kanta (natatandaan ko kase, mas malaki yung binibigay pag English yung kinakanta) and todo praktis. Age range namen nun, 5-10 years old.

2. Di nila alam yung lyrics.
Sobra. As in. Kamusta naman, "Pasko na naman, o kay tulin ng araw... (magtitinginan yung mga bata) We mishu a Merry Christmas..." O di ba? San ka pa? Okay, sige, kahit wala na silang alam na English carol pero kalimutan ba yung "Pasko na Naman?"

3. Wala silang manners.
Dati nun, may ibigay man or walang ibigay yung tinapatan namen na bahay, eh kakanta pa din kame ng "Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you." Eh ngayon, binigyan na nga, nagwalk-out pa. May narinig pa ko na nagcomment na "Piso lang?" At pag minalas-malas pa yung nagbigay or di nagbigay, may pahabol pa na "Tenk u, tenk u, ang babarat ninyo, tenk u!"

4. Para silang sindikato.
Totoo. Dati pag nangangaroling, the more, the merrier. Pero ngayon eh, lima na nga lang sila, mag-iisplit pa tapos magtitigisa ng bahay. And then, saka sila magpapalit-palitan ng bahay. O di ba? Sindikato talaga. Scammers.

Hay talaga. Ewan ko lang if bigyan sila ng regalo ni Santa.

No comments: